Ely Buendia Nanawagan para kay Mali: Let her ‘LIVE IN HARMONY’

Ely Buendia

Tanyag na Musikero na si Ely Buendia Pinalakas ang Panawagan para sa Paglipat ng ​​may Sakit at Malungkot na Elepante sa Luntiang Santuwaryo

Ely Buendia

Maynila —  Hawak ang kanyang gitara, na umakit ng milyun-milyong mga tao sa mga nakalipas na taon, sa tabi ng caption na “Let Mali Live in Harmony”,  pagbunyi ng kilalang musikero na si Ely Buendia na lalabas sa isang panibagong ad para sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia. Si Mali ay ang may sakit at nag-iisang elepante na nakakulong sa isang maliit at kongkretong kulungan sa Manila Zoo sa loob ng 36 taon. Siya ay nagtitiis sa kanyang problema sa mga paa na nagdudulot sa kanya ng palagiang pasakit. At kahit na may isang malawak na santuwaryo sa Thailand na sumang-ayon na tanggapin si Mali, siya ay patuloy na nagdurusa sa Manila Zoo.

Bukod sa nararamdamang sakit, pinagkait kay Mali ang lahat ng natural at importante para sa kanya. Ngunit sa santuwaryo, magkakaroon siya ng ektaektaryang lupain para libutin, ilog at palatubigan na paliguan, at ang napakahalagang pakikisama ng iba pang mga elepante. Ang lumalaking bilang ng mga eksperto sa elepante, na kabilang sila Dr. Dame Daphne Sheldrick, Dr. Jane Goodall, Dr. Philip K. Ensley, at bantog na beterinaryo na si Dr. Henry Richardson, ay nagpasiya na si Mali ay may potensyal na nakamamatay na sakit sa paa, ay nananawagan na ilipat siya sa isang santuwaryo.

Ako ay humihimok sa aking mga tagahanga na itaas ang kanilang mga tinig upang makatulong na mapalaya si Mali. Siya ay nag-iisa sa mahigit na 36 taon. Kung hindi mo maisip kung ano ang pakiramdam, subukan mong tandaan kung ano ang iyong ginagawa noong 1979. Iyon ang huling beses na si Mali ay nakakita ng isa pang elepante. Sa isang santuwaryo maaring maibigay sa kanya ang uri ng buhay na kanyang kailangan at nararapat sa kanya,” sabi ni Buendia. “Umaasa ako na sasamahan ako ng mga tao sa pagtawag na mailipat si Mali sa santuwaryo kung saan maaari siyang kumilos ng malaya tulad ng isang elepante at umayon sa pag-uugali na natural sa kanya. Karapat-dapat kay Mali na mabuhay ng maayos na kasama ang kanyang mga ka-uri.

Si Buendia, ay nagkamit ng katanyagan bilang mang-aawit, composer, at gitarista sa sikat na bandang Eraserheads at ngayon siya ay kabilang sa bandang Pupil at The Oktaves.

Visit http://www.peta.org for more info.

Until our next trip in the City!
またね Mata ne! 

 

X